Catechists’ Ongoing Formation Program sa Episcopal District of St. Luke, naganap

by Ma. Cristina V. Santos

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Catechists’ Ongoing Formation Program sa Episcopal District of St. Luke, naganap

March 14, 2025 by Ma. Cristina V. Santos

LUNGSOD NG DASMARIÑAS, CAVITE – Nagtipon ang 194 na mga katekista ng Episcopal District of St. Luke sa Parokya ng Hesus Nazareno, Paliparan noong March 10, 2025, ika-9 ng umaga sa unang Catechists’ Ongoing Formation Program (COFP) ng Diocesan Ministry on Catechesis (DMC) para sa Jubilee Year 2025.

Ang COFP ay programa ng DMC para sa lahat ng katekista ng diyosesis upang mapalalim ang kaalaman sa pananampalataya at mapalawak ang kamalayan sa mga gampanin ng Simbahang Katolika. 

Ang paksa na tinalakay ni G. Julius Conjurado, Lay Pastoral Worker, at kasama sa core team ng Diocese of Imus - Lay Formation Office (DLFO) ay ang Seven Highlights of Synodality.  Ibinahagi rin ni Julius sa mga katekista na ang tema ng Jubilee year ay Hope does not disappoint (Spes Non Confundit).  Binigyang-liwanag niya ang pagpapalaya ng mananampalataya sa kasalanan tuwing taon ng jubileo at ipinaliwanag ang plenary indulgence na makakamit ng bawat isa sa tuwing bibisita sa mga jubilee churches. 

 Sa huling bahagi ng kanyang panayam, ipinaabot din ni G. Conjurado sa mga katekista ang mga ginagawang paghahanda ng diyosesis para sa gaganaping Diocesan Synod sa Nobyembre 2026, gayundin sa pagdiriwang ng 2000 years of salvation sa taong 2033. 

 Ang COFP ay natapos sa isang panalangin sa ganap na ika-12 ng tanghali. (Ulat at mga larawang kuha ni Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus Core Team)

#MinistriSaKatekesis  #DiyosesisNgImus  #CatechistsFormation


Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.7