Basic News Writing Workshop sa Episcopal District ng St. Matthew, naganap

by Ministry on Social Communications

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Basic News Writing Workshop sa Episcopal District ng St. Matthew, naganap

February 24, 2025 by Ministry on Social Communications

LUNGSOD NG IMUS, CAVITE – Isinagawa ng Ministri sa Panlipunang Komunikasyon (MPK) core group ang ika-apat na news writing workshop para sa mga kasapi ng MPK sa mga parokya sa distrito ng St. Matthew. Ito ay ginanap noong Pebrero 22, 2025, sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima, Anabu II. Ang naunang tatlong workshop ay nangyari sa episcopal district ng St. Mark, St. Luke at St. John. 

Dumalo ang 24 na mga MPK coordinator at miyembro mula sa walong parokya. Sa pagbubukas ng workshop, malugod silang binati ni Aubrey Barreda, lay animator ng MPK.

Nagbigay si Mark Anthony Gubagaras, resource speaker ng workshop at MPK lay collaborator, ng news gathering methods, do’s and dont’s ng news writing at iba pang mga dapat malaman ng isang nagsisimula pa lang magsulat ng balita.  Sa kanyang paanyaya, isa sa mga dumalo ang nagbahagi ng best practices ng kanilang parokya.

Pinagsulat ang mga nasa workshop ng aktuwal na balita batay sa isang sample na pangyayari. Inaasahang sa pamamagitan ng workshop na ito ay madadagdagan ang mga manunulat para sa facebook page news ng kanilang parokya at kapag lumaon ay sa Facebook page o website ng diyosesis.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na mapakinggan ang maikling paalala ni Rdo. P. Manuelito Villas, kura paroko ng Our Lady of Fatima Parish (Anabu II).  Ayon kay Fr. Villas, “Ang ministry on social communications ay isang konkretong paraan ng paglilingkod sa Diyos. Pinapalaganap hindi ang sarili, hindi ang parokya, kundi si Hesus at ang Kanyang kaharian. Ang paninira ng kapwa sa social media ay kasamaan.” (Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus, photo credits to SOCCOM Core Team)

#MinistryOnSocialCommunications
#DioceseOfImus

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.7