KAWIT, CAVITE - Buong pusong ipinagbunyi ng mga mananampalataya ng Diyosesis ng Imus, kaisa ang mga deboto ng pinakamamahal na Ina at Reyna ng Bayan ng Kawit, si Nuestra Seรฑora del Rosario de Fatima de Binakayan, o mas kilala bilang "Imang," ang kaniyang koronasyong pontifikal. Naganap ang makasaysayang seremonya noong ika-1 ng Mayo, 2025, ganap na ika-5:00 ng hapon, sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima โ Binakayan, Kawit, Cavite. Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Lubhang Kagalang-galang Charles John Brown, D.D., ang pagpapatong ng korona sa Mahal na Birhen, katuwang si Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus.
Ang Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus, ay nagbahagi ng kaniyang mensahe, โ๐ผ ๐๐ ๐ ๐ข๐๐, ๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐ , ๐คโ๐ ๐ค๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ ๐บ๐๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ก ๐ด๐๐๐๐ 21, ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐ธ๐๐ ๐ก๐๐, ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฆ ๐ค๐๐ก๐โ๐๐๐ ๐ข๐ ๐๐๐๐ โ๐๐๐ฃ๐๐.โ Matatandaan noong ika-15 ng Oktubre, 2024 ay nilagdaan ng Mahal na Santo Papa Francisco ang koronasyong pontifikal para sa Mahal na Birhen ng Fatima.
Ayon naman kay Apostolic Nuncio, Lub. Kgg. Charles John Brown D.D., sa kaniyang homilya, โ๐โ๐๐๐'๐ ๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐ก๐, ๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ถ๐๐กโ๐๐๐๐ ๐โ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐๐ข๐ก ๐๐๐๐ฆ ๐คโ๐๐โ ๐๐๐๐ โ๐๐๐ ๐๐ ๐ฟ๐๐ก๐๐ โ๐ท๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐ข๐๐ ๐๐๐ก๐๐ โ, ๐คโ๐๐โ ๐ก๐๐ข๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ , ๐๐๐๐ข๐ก ๐๐๐๐ฆ ๐๐ก ๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐ข๐โ. ๐โ๐๐ก ๐ผ ๐๐๐๐? ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐ข๐โ ๐๐๐๐ข๐ก ๐๐๐๐ฆ. ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ฆ ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ข๐ ๐ ๐๐๐๐ฆ ๐๐ ๐ผ ๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐กโ๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐ฃ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐, ๐๐๐๐ฆ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐กโ๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐, ๐๐๐๐ฆ ๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐๐กโ๐๐ ๐๐ โ๐๐๐ฃ๐๐.โ
Bilang pagkilala sa makasaysayang koronasyon, opisyal na inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Kawit, Cavite, ang pagkilala kay Nuestra Seรฑora del Rosario de Fatima de Binakayan bilang Ina at Reyna ng Kawit. Tunay na puspos ng galak ang bawat mananampalataya sa biyayang ito.
Matatandaang ang Sta. Maria Magdalena ang inang parokya ng kasalukuyang Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima Binakayan bago pa ito maitalaga bilang ganap na parokya noong 1966 sa pangunguna ni Reb. Pdr. Luciano Paguiligan na siyang napagpasyahan na ang Mahal na Birhen ng Fatima ay ang magiging patrona ng parokya. Mula sa biyaya ng deklarasyon, ang mag-asawang Mr. & Mrs. Eugene Conolly na mula sa New York City at siyang deboto ng Mahal na Birhen ng Fatima ay nagkaloob ng regalong imahen ng mahal na birhen na nagmula pa sa Portugal para sa mga mananampalataya sa Binakayan. Makalipas ang ilang taon hanggang sa maitatag ito bilang Diocesan Shrine at ngayo'y nakatanggap na ng koronasyong pontifikal ay patuloy na nagkakaroon ng himala ng biyaya na nagpapausbong at nagpapalalim pa ng pananampalataya ng bawat deboto ni Imang. (Ulat ni Binea Jeverly C. Antang, SOCCOM โ Diocese of Imus, Larawang kuha ni Noel Orcullo, SOCCOM โ Diocese of Imus)
__________________________________________________________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#ImangPONTIFICALCoronation
#FatimaBinakayan
#DSPOLFB
#FatimaSHRINECavite
#FatimaSHRINEBinakayan
#Jubilee2025
#LakbayPagAsa
#PilgrimsofHope
#DioceseOfImus