February 17, 2026
Venue: Sisters of Mary Girlstown, Silang, Cavite
Date: February 17, 2026
Sa darating na Pebrero 17, Martes, gaganapin ang ikalawa sa serye ng mga kumperensya ngayong Taon ng Pakikinig sa Sisters of Mary Girlstown sa Silang, Cavite.
Ang serye ng mga pagtitipon ay bahagi ng mga paghahanda para sa pagdiriwang ng ika-65 taon ng pagkakatatag ng ating Diyosesis. Hinihikayat ang bawat isa na pagnilayan ang kasalukuyang kalagayan ng Simbahang lokal sa Cavite at tingnan kung paano mailalapat ang mga nararapat na programa at tunguhing pastoral bilang tugon sa mga hamon at pagbabago sa ating lipunan.
Magbibigay-tuon ang ikalawang Taon ng Pakikinig conference sa paksang "Simbahan ng mga Dukha."
Pinaaalalahanan ang lahat ng mga dadalo sa kumperensya na dalhin ang kani-kanilang tumbler, fan, jacket, gamot na personal, Taon ng Pakikinig ID, notebook at ballpen.
General CastaƱeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786