Mga labi ni Rev. Fr. Engel Bagnas, naihatid na sa kaniyang huling hantungan

by Ministry on Social Communications

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Mga labi ni Rev. Fr. Engel Bagnas, naihatid na sa kaniyang huling hantungan

May 05, 2025 by Ministry on Social Communications

SILANG, CAVITE - Ang mga labi ni Rev. Fr. Engelbert A. Bagnas ay payapang naihatid sa kaniyang huling hantungan noong ika-2 ng Mayo, 2025, sa Himlayan ng Pastol na matatagpuan sa Divine Mercy Parish, Biluso, Silang, Cavite.

Isang Banal na Misa ang inialay para sa kaniyang kaluluwa, na pinangunahan ni Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus, kasama ang maraming kaparian mula sa iba't ibang parokya ng lalawigan ng Cavite. Nakibahagi rin sa huling pamamaalam ang kaniyang mga mahal sa buhay, mga matalik na kaibigan, at ang kaniyang dating mga parokyano.

Si Fr. Engel ay kilala bilang kauna-unahang kura-paroko ng Parokya ng San Gabriel Arkanghel sa Barangay San Francisco, General Trias, Cavite, kung saan siya ay naglingkod nang tapat at buong puso.

Maraming salamat Fr. Engel, sa buhay na naging ilaw sa marami, ika'y isang pastol na naglingkod nang buong puso, ngayo'y nagpapahinga sa piling ng Dakilang Pastol.  Kapayapaan kailanman ang igawad ng Maykapal sa yumao nating mahal.  Siya nawa ay silayan ng Ilaw na walang hanggan.  Mapanatag nawa sa kapayapaan. Amen. (Mga larawan mula sa St. Gabriel the Archangel Parish FB Page)

+ Rev. Fr. Engelbert Alinaya Bagnas 
Araw ng Kapanganakan: Nobyembre 13, 1971
Ordinasyon sa Pagkapari: Abril 18, 2005
Araw ng Kamatayan: Abril 27, 2025 

Latest News

Parokya ni San Peregrine Laziosi, Ganap ng Parokya

By: Ministry on Social Communications

May 05, 2025


Mga labi ni Rev. Fr. Engel Bagnas, naihatid na sa kaniyang huling hantungan

By: Ministry on Social Communications

May 05, 2025


ANG MAHAL NA IMANG, BIRHEN NG FATIMA, KORONADA NA! (Pontifical Coronation)

By: Ministry on Social Communications

May 05, 2025


Matagumpay na Voter's Education Idinaos sa Our Lady of Pillar Seminary

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Ang Paglalakbay ni Imang sa Bayan ng Kawit

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Cavite upland parishes attend Liturgical Conference on Lent and Easter

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”. ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜€ (๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿณ๐Ÿญ โ€“ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ)

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Be ๐Ž๐๐„ of us! Be a ๐ƒ๐ˆ๐Ž๐‚๐„๐’๐€๐ seminarian!

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


MISA NG KRISMA 2025

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


A SHEPHERD OF CREATION AND PEACE

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castaรฑeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8