Searching...
Published at: 2025-04-28 10:39:40
๐๐๐ฆ ๐๐ด๐บ-๐ด๐๐ด ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐ด๐ฟ๐ด๐๐ด๐พ๐ผ๐... ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐ด๐บ-๐ผ๐ต๐ผ๐บ!
IMUS CITY - Noong ika-22 ng Marso, 2025, matagumpay na idinaos ang isang Voter's Education sa Our Lady of Pillar Seminary, Buhay na Tubig, na pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Ministri sa Pagmamalasakit sa Bayan. Ang pangunahing layunin ng gawaing ito ay upang bigyan ang mga dumalo ng sapat na kaalaman at gabay sa pagpili ng mga karapat-dapat na kandidato sa nalalapit na eleksyon 2025.
Sa unang bahagi ng programa, nagbigay ng inspirasyon si Bro. Emman Germino, na nagpaalala na sa kabila ng maraming hamon na kinakaharap ng ating Simbahan at bansa, ang pag-asa ay nananatili. Kanyang binigyang diin ang mahalagang papel ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng isang maayos at makatarungang lipunan.
Sumunod naman si Bro. Joseph Jam Suico, na nagpaliwanag sa mahahalagang gabay ng Simbahan tungo sa banal at matalinong pagboto, ang tinatawag na 3K: tiyaking ang ihahalal ay may magandang KARAKTER (integritas at moralidad), may tukoy at totoong KAKAYAHAN (kaalaman at kasanayan), at higit sa lahat may tunay na KATAPATAN sa kanyang magiging serbisyo sa bayan at sa Diyos (dedikasyon at pag-iwas sa korapsyon).
Sa ikatlong bahagi ng gawain, ang mga nagsipagdalo ay pinangkat-pangkat upang magbahaginan ng kanilang mga nararamdaman at pag-iisip hinggil sa nalalapit na halalan. Sa pamamagitan ng talakayan, bawat isa ay nakapagpahayag ng kanilang mga reyalisasyon ukol sa kahalagahan ng kanilang boto at nakapagbahagi ng mga kongkretong hakbang na kanilang isasagawa upang makatulong sa pagkamit ng isang mabuting resulta sa papalapit na eleksyon 2025. Ilan sa mga binanggit ay ang aktibong pagbabahagi ng kaalaman sa kanilang mga komunidad at ang masusing pagkilatis sa mga kandidato.
Bilang pagtatapos, muling pinaalalahanan ang lahat na ang kanilang pagboto ay isang mahalagang pagpapakita ng malasakit sa bayan, isang responsableng pagganap sa kanilang tungkulin bilang mamamayan at Kristiyano para sa ikabubuti ng buong lipunan.
(Mga larawan mula sa Social Communications Ministry)
_______________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#DioceseOfImus #Jubilee2025 #voters #2025elections
Published at: 2025-04-28 03:21:26
KAWIT, CAVITE - The First Day of the Triduum and the procession around the Historical Towns of Kawit and Imus Cavite took place yesterday, April 27, 2025 in honor of the soon to be Canonical Crowned Image of Our Lady of Fatima de Binakayan with the Original Image of Saint Mary Magdalene of kawit. Both churches were designated by the Bishop of Imus, Reynaldo G. Evangelista D.D as two of the Jubilee Churches, one being Maka-Tao and Maka-Bayan.
This event marks the beginning of one of the important events held in our Diocese during the Jubilee Year 2025.
๐ธPhoto & โ๐ปCaption: Ronn Estores & John Gabrielle Luna
For more information kindly visit: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus & https://www.facebook.com/FatimaBinakayanOfficial
#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#LakbayPagAsa
Published at: 2025-04-28 03:08:47
SILANG, CAVITE โ The second iteration of the Liturgical Conference on Lent and Easter for participants from the upland parishes of Cavite was held April 9 at the Sambayanang Kristiyano (SK) Hall of the Diocesean Shrine and Parish of Nuestra Seรฑora de Candelaria, this municipality.
A total of 164 lay leaders representing various neighboring parishes attended the conference and demonstrated interest in the subject matter.
The conference aimed to remind the faithful and provide clarification regarding the liturgical practices relevant to the Lenten and Easter seasons, adhering to the General Instruction of the Roman Missal. The conference program was divided into three segments: the season of Lent, the Paschal Triduum, and the Easter Season. Each presentation was followed by an interactive question and answer period that provided participants an opportunity to clarify uncertain points or information.
Rev. Fr. Ashpaul Castillo, priest animator of the Ministri sa Liturhiya, and Rev. Fr. Reinier Dumaop, chaplain of De La Salle University-Dasmariรฑas, facilitated the discussions.
Published at: 2025-04-28 01:33:19
๐ฅ๐ฒ๐พ๐๐ถ๐ฒ๐๐ฐ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฐ๐ฒ, ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐ฟ. ๐๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐. ๐๐ฎ๐ด๐ป๐ฎ๐ (๐ก๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ญ๐ฏ, ๐ญ๐ต๐ณ๐ญ โ ๐๐ฝ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ)
Ang Diyosesis ng Imus ay malungkot na nagpapahayag ng pagpanaw ng ating kapatid sa pananampalataya, si Rev. Fr. Engelbert A. Bagnas, na sumakabilang-buhay noong gabi ng ika-27 ng Abril 2025. Kami ay taus-pusong nakikidalamhati sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa lahat ng mga nagmahal sa kanya. Sa gitna ng dalamhati, nananalig tayong siya ngayon ay nakapiling na ng Panginoon na buong buhay niyang pinaglingkuran.
Ang mga detalye ng burol at libing ay ipaaabot sa mga susunod na araw. Nawa'y ipagkaloob sa kanya ng Diyos ang walang hanggang kapahingahan.
Published at: 2025-04-26 12:47:22
"๐พ๐ค๐ข๐, ๐๐ค๐ก๐ก๐ค๐ฌ ๐ข๐" - MATTHEW 4:19
Be ๐๐๐ of us! Be a ๐๐๐๐๐๐๐๐ seminarian!
Now accepting applicants for Formation Year 2025โ2026! Take the admission exam weekdays from 8:00 AM to 5:00 PM. Saturday exams by appointment.
For more questions and inquiries kindly visit Our Lady of the Pillar Seminary FB page: https://www.facebook.com/OLPSeminaryImus or call
Ministri sa Bokasyon - Diocese of Imus
09561547820
Published at: 2025-04-26 11:39:53
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐
(๐๐ค๐ข๐๐ก๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐. ๐๐๐ฎ๐ฃ๐๐ก๐๐ค ๐. ๐๐ซ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐จ๐ฉ๐, ๐ค๐๐๐จ๐ฅ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ช๐จ, ๐จ๐ ๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐จ๐ข๐, 17 ๐ผ๐๐ง๐๐ก 2025, ๐๐๐ฃ๐-๐๐๐ฎ๐ค๐จ๐๐จ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ข๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ฉ๐๐๐ง๐๐ก-๐๐๐ง๐ค๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ง๐๐๐ฃ ๐๐๐ก ๐๐๐ก๐๐ง, ๐๐ช๐ฃ๐๐จ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ช๐จ, ๐พ๐๐ซ๐๐ฉ๐)
Nasa taon ng Hubileo po tayo ngayon, 2025. Sa Jubilee Year na ito, na ang tema ay "Pilgrims of Hope" โ sa Latin ay "Peregrinantes in Spem" (Mga Manlalakbay sa Pag-Asa) โ inaanyayahan ko po kayo, pagnilayan nating sama-sama ang tema: "Hubileo na Kaloob ng Panginoong Hesus, Dapat Isabuhay Natin."
Ang pagdiriwang natin ng Jubilee Year bilang mga Kristiyano ay hango sa pagdiriwang ng mga Israelita na mababasa natin sa Banal na Kasulatan (Levitico 25).
Ano ang mababasa natin dito? At kukuha ako ng ilang bahagi ng sinasabi sa aklat ng Levitico. Ang sabi ay ganito sa mga Israelita: "Bibilang kayo ng pitong Taon ng Pamamahinga, pitong tigpipito โ apatnapu't siyam na lahat. Pagkatapos nito, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan โ Araw ng Pagtubos โ hihipan nang malakas ang mga trumpeta.." (tinatawag na yobhel, kung saan hinango ang salitang jubilee) โ "...sa buong lupain. Sa ganitong paraan, itatangi ninyo ang ikalimampung taon; ipahahayag ninyong malaya ang lahat sa buong lupain. Ito'y taon ng inyong paglaya; ang alipin ay babalik sa kanyang sariling tahanan at ang lupaing naipagbili ay isasauli sa dating may-ari...huwag kayong magtatanim sa inyong bukirin. Maging tapat kayo sa isa't-isa at matakot sa akin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos."
Bakit ko po binalikan ang taon ng paglaya ng mga Israelita o tinatawag ngang Jubilee Year? Dahil sa ganito ring diwa ng pagpapalaya ng sambayanan, inihulat at inihanay ni propeta Isaias ang papel na gagampanan ng Panginoong Hesus para sa Kanyang bayan.
Narinig natin sa Unang Pagbasa ang sinasabing ganito ni propeta Isaias patungkol sa darating na Mesiyas: "Pinuspos ako ng Panginoon ng Kanyang espiritu. Hinirang niya ako upang ang magandang balita'y dalhin sa mahihirap, pagalingin ang sugat ng puso, palayain ang mga bihag at bilanggo, aliwin ang nangungulila, at tumatangis na taga-Sion ay paligayahin. Ang langis ng kagalakan ay ihahatid sa tanan, ang Diyos na Panginoon, iingatan sila at kakalingain." Ang sabi pa ng Panginoon, "Ako'y namumuhi sa pagkakasala at pag-a-alipin. Gawang katarungan ang mahal sa akin. Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin."
Ang salaysay na ito ni propeta Isaias na narinig natin sa Unang Pagbasa ay natupad sa ating Panginoong Hesukristo, na narinig naman natin sa Ebanghelyo. Bumasa ang Panginoong Hesus sa sinagoga sa Nazaret, at iyon mismong Unang Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias na ating napakinggan ang kanyang binasa. At sinabi Niya sa katapusan, "Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo."
Pinaging-ganap ng ating Panginoong Hesukristo ang Jubilee Year sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng Kanyang tunay na pagmamalasakit sa sambayanan, lalo na sa mga dukha at nangangailangan. Christ perfected the jubilee of the Israelites through His saving act for the whole mankind. Ang handog na Hubileo ng Panginoong Hesus ay hindi isang materyal na bagay gaya ng sa Lumang Tipan na pagsasauli ng lupa, pagpapalaya sa mga alipin o ang pagpapahinga sa pagtatanim. Ang handog ng Panginoong Hesus sa atin ay kapatawaran sa ating mga kasalanan, paghilom sa sugatan nating puso, pag-aliw sa ating mga nahahapis at nangungulila, pagbibigay sa atin ng galak at tuwa dulot ng Kanyang mga salita at mabubuting gawa. Ang kaloob ng Panginoong Hesus sa atin, lalo na ngayong Jubilee Year, ay pagpapanibago (renewal) ng ating puso, isip at buong pagkatao. Ang kaloob Niya sa atin ay wagas Niyang pag-ibig, pagpapatawad sa ating mga pagmamalabis at pagka-makasarili, pagpapatawad sa lahat nating mga kasalanan. Ang inaalok ng Diyos sa atin ay buhay na ganap at kasiya-siya lalo na ngayong Jubilee Year na ito.
Kung ang Jubilee Year ay taon ng paglaya sa lahat ng mga umaalipin sa atin, at ang tunay na kalayaan ay nagmumula sa Panginoong Hesus, "kapag kayo'y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya" (Juan 8:36). Masasabi natin na ang Panginoong Hesukristo ang bukal ng tunay na kalayaan. Ang Panginoong Hesus ay perpetual jubilee โ kailanman, hindi siya naalipin ng anuman, maging ng kasalanan o kamatayan. Tama ang ipinapaalala sa atin ng aklat ng Pahayag sa Ikalawang Pagbasa: "Kay Hesukristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman. 'Ako ang Alpha at ang Omega,' wika ng Panginoong Diyos na makapanguyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan at siyang darating."
Ang Panginoong Hesukristo ang dakila at walang hanggang pari โ the eternal priest โ na nagbabahagi ng Kanyang pagka-pari sa ating lahat. Ang sabi sa aklat ni propeta Isaias: "Kayo ay gagawin Niyang saserdote. Itong lahi nila ay makikilala sa lahat ng bansa, at tatawaging bayang pinagpala, hinirang ng Panginoon." Sinasabi naman sa aklat ng Pahayag: "Ginawa mo silang isang liping maharlika at mga saserdote para maglingkod sa ating Diyos." Ang bawat binyagan โ tayong lahat โ ay kabahagi ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang pagka-Pari, pagka-Propeta at pagka-Hari.
Pero sadyang humirang ang ating Panginoong Hesus ng Kanyang mga apostoles na magpapatuloy ng Kanyang gawain. Sila at ang lahat ng kanilang mga kahalili na tumanggap ng pagpapatong ng kamay o Banal na Orden โ lahat ng mga pari โ ang kabilang sa tinatawag na ministerial priesthood. Sinasabi sa dokumento ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, sa Presbyterorum ordinis (Decree on the Ministry and Life of Priests): "By sacramental consecration, the priest is configured to Jesus Christ as Head and Shepherd of the Church, and he is endowed with a 'spiritual power' which is a share in the authority with which Jesus Christ guides the Church through his Spirit."
Ano ang hamon nito sa atin, minamahal kong mga kapatid na pari? Kung ang Panginoong Hesukristo na walang hanggang pari ay laging naglilingkod sa tunay na pagmamalasakit, pangangaral ng Mabuting Balita lalo na sa mga dukha, pagpapalaya sa mga bilanggo, pagpapatawad sa mga kasalanan, pagpapagaling at pagbibigay ng paniningin sa mga bulag, [at] pagbibigay-kaluwagan sa mga sinisiil, tayong mga obispo at pari ay inaasahan ng Diyos na maging mapagmalasakit din sa sambayanan kagaya ng ating Panginoong Hesus, ang dakila at walang hanggang pari.
Sa diwa ng Taon ng Hubileo 2025 na ito, na ang tema ay "Pilgrims of Hope," magbigay pag-asa tayo, minamahal na mga kapatid na pari, sa mga mananampalataya na ating pinaglilingkuran. Ang paalala sa atin ng ating Santo Papa Francisco, at ito ay para din sa ating lahat: "Hope does not disappoint, because God's love has been poured into our hearts through the Holy Spirit that has been given to us." (Roma 5:5) Mga salita ito ni San Pablo Apostol para mapalakas palagi ang ating pagtitiwala at pag-asa sa Diyos. Sa Tagalog, "Hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin."
Minamahal na mga kapatid na pari, bilang mga lingkod ng Diyos at ng sambayanan, kailangan nating maging masagana sa pag-asa para makapagbigay pag-asa tayo sa iba na pinanghihinaan ng loob. We need to abound in hope. Kailangan nating lalo pang maging malapit sa Diyos na bukal ng pag-asa sa pamamagitan ng tapat na pananalangin at pagsasabuhay ng ating mga sinumpaang pangako o priestly vows na ating sasariwain ngayon sa pagdiriwang na ito. Ang sabi ni San Pablo Apostol, "Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang magkakaloob nawa sa inyo ng kagalakan at kapayapaan sa pananalig upang sumagana kayo sa inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Pagtutuunan lalo natin ng pansin ang pagkalinga sa mga dukha, sa mga nangangailangan, sa mga may karamdaman, sa mga bilanggo, sa nakakaranas ng pagsubok sa buhay, sa mga pinaghihinaan ng loob. Sa ating pagbibigay ng panahon sa kanila, minamahal na mga kapatid na pari, pagbibigay ng pagkalinga sa sambayanan na ipinagkatiwala sa atin, maranasan nawa nila ang pag-ibig ng Diyos at makaharap ang lahat sa landas ng buhay, puno ng pag-asa.
Napakaganda ng paalala ng ating Santo Papa Francisco sa dokumento para sa Jubilee Year, Spes non confundit (3). Ang sabi ng Santo Papa: "Hope is born of love and based on the love springing from the pierced heart of Jesus upon the cross. Christian hope does not deceive or disappoint because it is grounded in the certainty that nothing and no one may ever separate us from God's love."
Minamahal na mga kapatid na pari, alalahanin natin palagi: Mahal tayo ng Panginoong Hesus, ang dakila at walang hanggang pari. Ang sabi nga ni San Juan Maria Vianney, patron ng lahat ng mga pari, "The priesthood is the love of the heart of Jesus." Ang pagiging pari natin ay patuloy na pagtugon sa pag-ibig ng Panginoong Hesus sa atin. Araw-araw ay dapat nagiging dalisay ang pamumuhay natin sa pag-ibig sa Diyos na tumawag at humirang sa atin bilang mga pari. Sa kabila ng ating maraming gawain at mga pinagkakaabalahan, ang motibasyon sana ng lahat ng ating ginagawa ay hindi pera o kasikatan. Let us purify our love for Jesus each day, for only those who love Jesus authentically, sincerely, can be trusted to take care of His flock. Kahit mabigat ang hamon sa atin sa buhay-paglilingkod sa diwa ng pag-ibig o tinatawag na pastoral charity, makakaya nating ibigay ang buo nating sarili sa Diyos at sa sambayanan sa diwa ng pag-ibig dahil una tayong minahal ng Diyos. Kaya ba natin na magbigay ng pag-asa sa sambayanan na ating pinaglilingkuran? Kaya natin, dahil patuloy na minamahal tayo ng Diyos na tumawag at humirang sa atin.
Ang Panginoong Hesus ang ating pag-asa at lakas. Sinasabi sa sulat sa mga Hebreo (6:18-20), "Kaya't tayong nakatagpo sa kanya ng kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay. At ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing sa templong panlangit, sa dakong kabanal-banalan na pinasukan ni Hesus na nangunguna sa atin."
Mahaba pa ang ating lalakbayin. We are pilgrims of hope, pero kasama natin ang Panginoong Hesus sa ating paglalakbay. Siya ang daan, katotohanan at buhay. Nawa'y sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng ating Panginoong Hesus, Ina ng buong Simbahan, Ina ng Pag-Asa (Mother of Hope), makapamuhay tayong lahat sa matatag na pag-asa at pagmamahalan sa isa't-isa.
(Isinulat ni Mark Anthony Gubagaras; Larawang kuha ng Ministri ng Panlipunang Komunikasyon.)
Published at: 2025-04-25 14:53:58
In Thanksgiving for the Life and Witness of Pope Francis
A SHEPHERD OF CREATION AND PEACE
As we remember with love and gratitude the life of Pope Francis, we give thanks for a shepherd who not only led the Church with humility but also inspired the world with a deep reverence for creation. His legacy is one of compassion, courage, and an unwavering call to care for 'our common home'.
Through his landmark encyclicals โLaudato Siโโ and โLaudate Deumโ, Pope Francis taught us that care for creation is not just an environmental duty --- it is a moral and spiritual call. He reminded us that everything in Godโs world is interconnected: 'The cry of the earth and the cry of the poor' are one and the same.
In โLaudato Siโโ, he invited us to see creation not as a possession to be used, but as a gift to be loved. In โLaudate Deumโ, written with urgency and clarity in his later years, he called the global community to action, justice, and ecological conversion.
As a Ministry, we honor Pope Francis not only by remembering his words but by continuing his mission to live simply and gratefully, to protect the poor and vulnerable, to advocate for justice in all its forms, and to walk gently upon this earth, as faithful stewards of Godโs creation.
May Pope Francis, who now rests in the arms of our Creator, intercede for us as we strive to care for our common home and live in peace with all of God's creatures.
Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him.
May he rest in peace. Amen.
For the Diocese of Imus Ministry on Ecology:
FR. MIGUEL R. CONCEPCION III
Priest Animator
MS. LORNA A. UNAS
Lay Coordinator
Published at: 2025-04-25 00:26:26
MANILA โ Lumahok ang Caritas Imus sa town hall forum na pinamagatang โTindig Kalikasan: A Town Hall Forum on the Green Agenda for the 2025 Midterm Electionsโ noong Abril 24, 2025 sa Pardo Hall, ika-5 palapag ng Henry Sy Sr. Building sa De La Salle University, Manila.
Layunin ng pagtitipon na isulong ang 11-Point Green Agenda 2025, isang adbokasiya para sa hustisyang pangkalikasan at pagpili ng mga kandidatong may konkretong plano para sa kapaligiran.
Ang forum ay inorganisa ng Caritas Philippines, Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI), Lasallian Justice and Peace Commission โ DLSU, Living Laudato Si' Philippines, Alyansa Tigil Mina (ATM), at ng EcoWaste Coalition
Binigyang-diin ng mga organizers na mahalagang isaalang-alang ang environmental track record ng mga kandidato bilang bahagi ng responsableng pagboto.
Ipinakilala sa forum ang mga senatorial at partylist candidates na naghain ng kanilang programa para sa green agenda. Kabilang sa mga senatorial candidates na dumalo ay sina Jerome Adonis, Jocelyn Andamo, Ernesto Arellano, Roberto Ballon, Roy Cabonegro, Angelo De Alban, David DโAngelo, Norman Marquez, at Sonny Matula. Samantala, kabilang naman sa mga partylist na dumalo ay ang 101 Health Workers Partylist, ARISE Partylist (167), Pambayang Magsasaka, Magdalo Para sa Pilipino Partylist, Bayan Muna Partylist, at Kabataan Partylist.
Kabilang sa mga dumalo ay ang Caritas Imus Team kasama ang Lay Coordinator ng Ministri sa Kalikasan. Ayon kay Isette Morano ng Caritas Imus, mahalagang marinig mismo mula sa mga kandidato ang kanilang pananaw at plano para sa kalikasan.
โMaganda ang forum na ito dahil nalalaman natin kung ano ang paninindigan nila para sa kapaligiran. May ilan na may malinaw at makabuluhang plano para sa bansa, pero may ilan din na hindi gaanong malinaw ang layunin. Meron namang halos pareho lang ng pananaw. Sa kabuuan, mahalaga ito basta sana ay panindigan nila ang mga pangako nila para sa kalikasan,โ ani Morano.
Ang Tindig Kalikasan ay bahagi ng mas malawak na layunin ng simbahan at ng mga people's organizations na isulong ang mga lider na may malasakit sa kapaligiran at sa mga sektor na madalas naaapektuhan ng environmental degradation.
Sa nalalapit na Halalan 2025, panawagan ng mga tagapagtaguyod ng kalikasan: Isulong ang Green Agenda. Bumoto para sa Kalikasan.
Published at: 2025-03-30 02:31:39
LUNGSOD NG IMUS, CAVITE - Naganap ang unang batch ng Liturgical Conference on Lent and Easter noong Marso 25 sa St. Joseph the Worker Chapel, Malagasang, Lungsod ng Imus. Dinaluhan ito ng 146 na lingkod mula sa mga parokya sa kapatagan o mababang bahagi ng Cavite (lowland).
Layunin nitong bigyang-linaw ang liturhikal na alituntunin at tamang pagsasagawa ng mga pagdiriwang mula Kuwaresma hanggang Pasko ng muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Ang unang panayam na ibinahagi ni Rdo. Padre Ashpaul Castillo ay nakatuon sa Liturgical Notes and practices sa mga gawain sa simbahan mula Kuwaresma hanggang Linggo ng Palaspas. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsunod sa itinakdang tuntunin ng Liturhiya at ang pagbabahagi nito sa iba upang maitama ang mga hindi wastong nakagawian.Kasunod ng unang panayam ay nagbigay ng mensahe ang ating Obispo, Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, na nagpaalala sa mga kalahok na isa-isip at isapuso ang natutunan upang maayos at malinaw itong maibahagi sa sambayanan.
Sa ikalawang panayam ipinaliwanag naman ni Rdo. Padre Reinier Dumaop ang mga tuntunin ng Triduo Paskwal, kabilang ang Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. (The Sacred Paschal Triduum)Ang Ikatlo at huling bahagi ng panayam ay ibinahagi ni Rdo. Padre Roberto "Bobby" Capino, ang kanyang paksa ay naka-sentro sa pagdiriwang ng Pasko ng muling pagkabuhay. Ipinaliwanag niya ang mahahalagang bahagi ng Bihilya nito at ang kahalagahan ng iba't ibang simbolo sa pagdiriwang upang lalong mapalalim ang pagkaunawa ng mga mananampalataya.
Sa pagtatapos ng unang bahagi ng kumperensya, ipinabatid na ang pagtitipon para sa mga upland parishes ay isasagawa sa Abril 9, 2025, sa SK Hall ng Pandiyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria sa Silang, Cavite. Inaasahang mas marami pang dadalo upang higit pang mapalalim ang kaalaman sa tamang pagsasagawa ng liturhikal na pagdiriwang sa Kuwaresma at Pasko ng muling pagkabuhay. (Isinulat at larawang kuha ni Trisha Paulette Aron, Ministry on SOCCOM, Diocese of Imus)
Published at: 2025-03-20 10:48:31
Naganap ang Ikalawang batch ng Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly ng Ministry on Liturgy ng ating Diyosesis, noong Marso 15, 2025, Sabado sa Casas Hall, Bishopโs Residence, Imus Cathedral Compound, Lungsod ng Imus.
Sa unang bahagi ng pagpupulong (8:00โ11:00 AM), nagtipon ang mga Coordinators at kinatawan ng Ministry of Extraordinary Ministers of Communion mula sa iba't ibang parokya. Bago ang pagbabahaginan, nagbigay ng paalala si Reberendo Padre Ashpaul Castillo, Priest Animator ng Ministri sa Liturhiya, tungkol sa mga tungkulin ng mga Lingkod sa Liturhiya, alinsunod sa nakasaad sa Diocesan Pastoral Priorities for Evangelization (DPPE). Sinundan ito ng talakayan kung saan malayang nagbahagi ng karanasan at saloobin ang mga lingkod mula sa iba't ibang bikaryato, na may diin sa pakikinig at pagbabahagi sa espiritu ng sinodalidad.
Bago matapos ang pagpupulong, nagbigay ng mensahe ang ating Obispo, Lubhang Kagalang-galang Reynaldo Evangelista, upang magpaalala at magbigay inspirasyon sa mga lingkod. Pagkatapos nito, ibinahagi ng mga naatasang kinatawan ang buod ng kanilang talakayan mula sa kanilang mga ka-bikaryato.
Sa ikalawang bahagi (1:00โ4:00 PM), dumalo naman ang mga Coordinators at kinatawan ng Ministry of Church Greeters and Collectors. Sa kanilang Spiritual Conversation, ibinahagi nila ang kanilang karanasan at saloobin sa paglilingkod sa kani-kanilang parokya. Bagamat may pagkakaiba sa pananaw, ipinamalas nila ang kahalagahan ng pakikinig at pagbubukas ng isip sa mga ideya ng iba, habang isinasaalang-alang ang paggabay ng Espiritu Santo.
Samantala, kahit natapos na ang Liturgical Ministries Coordinators' Assembly, magpapatuloy ang iba pang pagpupulong para sa mga lingkod sa liturhiya. Layunin nitong higit pang mapaunlad at mapabuti ang kanilang paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan. Kasabay nito, sinisimulan na rin ang pagtatalaga ng Vicarial Coordinators o Representatives upang mapabilis at mas epektibong maipasa ang mga pabatid at mahahalagang impormasyon sa buong Ministri.
Published at: 2025-03-14 06:56:21
LUNGSOD NG DASMARIรAS, CAVITE โ Nagtipon ang 194 na mga katekista ng Episcopal District of St. Luke sa Parokya ng Hesus Nazareno, Paliparan noong March 10, 2025, ika-9 ng umaga sa unang Catechistsโ Ongoing Formation Program (COFP) ng Diocesan Ministry on Catechesis (DMC) para sa Jubilee Year 2025.
Ang COFP ay programa ng DMC para sa lahat ng katekista ng diyosesis upang mapalalim ang kaalaman sa pananampalataya at mapalawak ang kamalayan sa mga gampanin ng Simbahang Katolika.
Ang paksa na tinalakay ni G. Julius Conjurado, Lay Pastoral Worker, at kasama sa core team ng Diocese of Imus - Lay Formation Office (DLFO) ay ang Seven Highlights of Synodality. Ibinahagi rin ni Julius sa mga katekista na ang tema ng Jubilee year ay Hope does not disappoint (Spes Non Confundit). Binigyang-liwanag niya ang pagpapalaya ng mananampalataya sa kasalanan tuwing taon ng jubileo at ipinaliwanag ang plenary indulgence na makakamit ng bawat isa sa tuwing bibisita sa mga jubilee churches.
Sa huling bahagi ng kanyang panayam, ipinaabot din ni G. Conjurado sa mga katekista ang mga ginagawang paghahanda ng diyosesis para sa gaganaping Diocesan Synod sa Nobyembre 2026, gayundin sa pagdiriwang ng 2000 years of salvation sa taong 2033.
Ang COFP ay natapos sa isang panalangin sa ganap na ika-12 ng tanghali. (Ulat at mga larawang kuha ni Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus Core Team)
#MinistriSaKatekesis #DiyosesisNgImus #CatechistsFormation
Published at: 2025-02-24 16:12:46
LUNGSOD NG IMUS, CAVITE โ Isinagawa ng Ministri sa Panlipunang Komunikasyon (MPK) core group ang ika-apat na news writing workshop para sa mga kasapi ng MPK sa mga parokya sa distrito ng St. Matthew. Ito ay ginanap noong Pebrero 22, 2025, sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima, Anabu II. Ang naunang tatlong workshop ay nangyari sa episcopal district ng St. Mark, St. Luke at St. John.
Dumalo ang 24 na mga MPK coordinator at miyembro mula sa walong parokya. Sa pagbubukas ng workshop, malugod silang binati ni Aubrey Barreda, lay animator ng MPK.
Nagbigay si Mark Anthony Gubagaras, resource speaker ng workshop at MPK lay collaborator, ng news gathering methods, doโs and dontโs ng news writing at iba pang mga dapat malaman ng isang nagsisimula pa lang magsulat ng balita. Sa kanyang paanyaya, isa sa mga dumalo ang nagbahagi ng best practices ng kanilang parokya.
Pinagsulat ang mga nasa workshop ng aktuwal na balita batay sa isang sample na pangyayari. Inaasahang sa pamamagitan ng workshop na ito ay madadagdagan ang mga manunulat para sa facebook page news ng kanilang parokya at kapag lumaon ay sa Facebook page o website ng diyosesis.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na mapakinggan ang maikling paalala ni Rdo. P. Manuelito Villas, kura paroko ng Our Lady of Fatima Parish (Anabu II). Ayon kay Fr. Villas, โAng ministry on social communications ay isang konkretong paraan ng paglilingkod sa Diyos. Pinapalaganap hindi ang sarili, hindi ang parokya, kundi si Hesus at ang Kanyang kaharian. Ang paninira ng kapwa sa social media ay kasamaan.โ (Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus, photo credits to SOCCOM Core Team)
#MinistryOnSocialCommunications
#DioceseOfImus
Published at: 2025-02-22 21:46:10
LUNGSOD NG IMUS, CAVITE โ Naganap ang Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly ng Diyosesis ng Imus, noong Pebrero 15, 2025 sa Casas Hall, Bishop's Residence, Imus Cathedral Compound.
Nagbigay ng panayam si Rdo. P. Ashpaul A. Castillo, ang priest animator ng Ministri sa Liturhiya (MSL) sa 80 coordinator ng Ministry of Commissioned Readers and Commentators (ComRe) sa umaga at sa 70 coordinator ng Ministry of Altars Servers (AS) sa hapon.
Ang paksa ng panayam ay โSynodality and the updated DPPEโ. Tulad ng ibinahagi ni Fr. Castillo sa assembly ng mga coordinator ng Ministry on Music in the Liturgy noong Enero 18, 2025, ipinaliwanag niya rin ang mga pagbabago sa MSL at ang pagtatalaga ng mga laykong taga-ugnay sa mga bikaryato sa bawat sub-ministry. Ang limang lay animator ay sina Christopher Lagong (MML), Mhar Angelo Bayot (EMHC), Maria Cristina Santos (ComRe), James Honrada (AS) at Wilson Que (CGC). Sila ay katuwang ng priest animator at priest collaborator sa mga ganitong pagtitipon at sa pag-gawa ng mga programa bilang paghahanda sa gaganaping diocesan synod sa 2026.
Sa diwa ng sinodalidad na conversation in the spirit, nagtipon ang mga ComRe coordinator mula sa iba't ibang parokya, kasama ang kanilang mga ka-bikaryato. Nagkaroon sila ng talakayan, nagpalitan ng karanasan at ideya, habang isinasaalang-alang ang kahalagahan ng pakikinig. Pinag-usapan nila ang sagot ng bawat parokya sa questionnaire na una nang inilabas dalawang linggo bago maganap ang pagtitipon.
Gayundin ang ginawa ng mga coordinator ng AS kasama ang kanilang mga ka-bikaryato. Naibahagi nila ang kanilang saloobin at karanasan sa paglilingkod, na inaasahang magbubunga ng mas malalim na pagninilay at pag-unawa sa kanilang misyon.
Samantala, ang mga coordinator ng Ministry of Extraordinary Ministers of Holy Communion (EMHC) at Ministry of Church Greeters and Collectors (CGC) ay nakatakdang magtipon sa Marso 15, 2025. (Trisha Paulette Aron and Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus; photo grab from Diocese of Imus Facebook Page https://web.facebook.com/dioceseofimus)
________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#DioceseOfImus #Jubilee2025 #MinistriSaLiturhiya
Published at: 2025-02-22 21:33:07
LUNGSOD NG DASMARIรAS, CAVITE โ Dumalo ang 75 miyembro ng parish lay formation (PLF) team mula sa anim na parokya at isang chaplaincy ng bikaryato ng Inmaculada Concepcion sa Retreat and Conference Center ng De La Salle University - Dasmariรฑas, noong Pebrero 8, 2025 para sa Basic Bible Formation.
Ang paghuhubog na ito sa lebel ng bikaryato ay pinasimulan ni Rdo. P. Reinier Dumaop, ang priest animator ng Diocese of Imus Lay Formation Office (DLFO). Ang layunin ay upang bigyan ng patuloy na pagsasanay sa Pagpapakilala sa Bibliya (PSB) module ang mga PLF team ng bikaryato ng Inmaculada Concepcion.
Sina Anna Christia Nuestro at Chris Julius Conjurado ng DLFO core team ay nagbahagi naman ng steps in the facilitation process at key result areas.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang magkakaparokya na magpulong upang suriin ang estado ng paghuhubog ng kanilang kapwa lingkod, ano pa ang kakulangan, ano ang nais matupad at kung ano ang maitutulong ng bikaryato sa pagsulong ng parokya. Ibinahagi ng bawat parish lay formation coordinator ang resulta ng kanilang napag-usapan sa buong pagtitipon. Tinuunan ng pansin ni Fr. Dumaop ang mga ulat sa diwa ng sinodalidad.
Dumalo rin ang tatlong kura paroko na sina Rdo. P. Agustin Baas (Inmaculada Concepcion), Rdo. P. Herald Arenal (San Lorenzo Ruiz), at Rdo. P. Gilbert Villas (Our Lady of Miraculous Medal).
Sina Sylda Teves at Jeff Marquez ay ipinakilala bilang mga lay formation animator ng bikaryato. Magkakaroon ng palagiang pagpupulong ang mga coordinator, magbubuo ng pool of facilitators at gagawa ng formation schedule para sa bawat parokya. (Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus, photo credits to SOCCOM Core Team)
________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#DioceseOfImus #Jubilee2025 #DiocesanLayFormation #BiblicalApostolate
Published at: 2025-02-17 10:28:43
ZARAGOZA, SPAIN โ Nagkaloob ang Diyosesis ng Imus noong Pebrero 15 ng isang manto o mantle para sa imahen ng Nuestra Seรฑora del Pilar na nakadambana sa basilikang inihandog sa kanya sa bansang Espanya.
Pinangunahan ang rito ng pagtanggap sa manto ng delegasyon ng ating Diyosesis sa pangunguna ng ating obispo, Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., katuwang sina Rdo. Padre Mark Anthony T. Reyes at Rdo. Padre Ryan Serafin P. Sasis.
Sinundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa main chapel ng Basilika ng Nuestra Seรฑora del Pilar.
Bilang pasasalamat, nagkaloob ang basilika sa ating Diyosesis ng isang poster ng larawan ng Birhen del Pilar mula sa ika-19 na siglo.
Ipinapalibot ang manto bilang pantakip sa haliging tinutuntungan ng imahen ng Birhen del Pilar sa Espanya, isang tradisyong nagsimula noong ika-16 na siglo.
Kinikilala ng tradisyon ng Simbahan ang pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria, sa titulong Birhen del Pilar, kay Apostol Santiago noong Oktubre 12, taong 40, habang nangangaral sa Espanya. Sinasabing buhรกy pa at nasa Jerusalem, Israel, noong panahong iyon ang Mahal na Ina, kung kaya't itinuturing ito bilang halimbawa ng bilocation, o ang kakayahang makita sa dalawa o higit pang lugar sa parehong pagkakataon.
Binigyan ng pagkilala ang imahen ng Birhen del Pilar sa Espanya noong 1905 sa pamamagitan ng canonical coronation ng dating Santo Papa Pio X.
Laganap sa kasalukuyan ang debosyon sa Birhen del Pilar bilang patrona ng Espanya at ng mga bansang naimpluwensiyahan nito. Nakarating ang debosyon dito sa Pilipinas, kabilang na sa Cavite, kung saan ang isang imahen nito na dinala ng mga paring Augustinian Recollect noong ika-17 siglo ang nakadambana sa Katedral ng Imus. (Ulat at mga larawan mula kay Florence Y. Cagas, SOCCOM-Diocese of Imus)
General Castaรฑeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786