Diyosesis ng Imus Ministri sa Liturhiya sub-ministry coordinators nagkitakita at nagbahaginan

by Ma. Cristina V. Santos

https://dioceseofimus.org/frontend.dioceseofimus.org/public/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Diyosesis ng Imus Ministri sa Liturhiya sub-ministry coordinators nagkitakita at nagbahaginan

February 22, 2025 by Ma. Cristina V. Santos

LUNGSOD NG IMUS, CAVITE โ€” Naganap ang Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly ng Diyosesis ng Imus, noong Pebrero 15, 2025 sa Casas Hall, Bishop's Residence, Imus Cathedral Compound. 

Nagbigay ng panayam si Rdo. P. Ashpaul A. Castillo, ang priest animator ng Ministri sa Liturhiya (MSL) sa 80 coordinator ng Ministry of Commissioned Readers and Commentators (ComRe) sa umaga at sa 70 coordinator ng Ministry of Altars Servers (AS) sa hapon. 

Ang paksa ng panayam ay โ€œSynodality and the updated DPPEโ€. Tulad ng ibinahagi ni Fr. Castillo sa assembly ng mga coordinator ng Ministry on Music in the Liturgy noong Enero 18, 2025, ipinaliwanag niya rin ang mga pagbabago sa MSL at ang pagtatalaga ng mga laykong taga-ugnay sa mga bikaryato sa bawat sub-ministry.  Ang limang lay animator ay sina Christopher Lagong (MML), Mhar Angelo Bayot (EMHC), Maria Cristina Santos (ComRe), James Honrada (AS) at Wilson Que (CGC). Sila ay katuwang ng priest animator at priest collaborator sa mga ganitong pagtitipon at sa pag-gawa ng mga programa bilang paghahanda sa gaganaping diocesan synod sa 2026. 

Sa diwa ng sinodalidad na conversation in the spirit, nagtipon ang mga ComRe coordinator mula sa iba't ibang parokya, kasama ang kanilang mga ka-bikaryato. Nagkaroon sila ng talakayan, nagpalitan ng karanasan at ideya, habang isinasaalang-alang ang kahalagahan ng pakikinig. Pinag-usapan nila ang sagot ng bawat parokya sa questionnaire na una nang inilabas dalawang linggo bago maganap ang pagtitipon.

Gayundin ang ginawa ng mga coordinator ng AS kasama ang kanilang mga ka-bikaryato. Naibahagi nila ang kanilang saloobin at karanasan sa paglilingkod, na inaasahang magbubunga ng mas malalim na pagninilay at pag-unawa sa kanilang misyon.

Samantala, ang mga coordinator ng Ministry of Extraordinary Ministers of Holy Communion (EMHC) at Ministry of Church Greeters and Collectors (CGC) ay nakatakdang magtipon sa Marso 15, 2025.  (Trisha Paulette Aron and Maria Cristina V. Santos, SOCCOM-Diocese of Imus; photo grab from Diocese of Imus Facebook Page https://web.facebook.com/dioceseofimus)

________________________

Visit our website and follow our official social media accounts:

Website: https://www.dioceseofimus.org/

Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus

Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus

Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961

#DioceseOfImus #Jubilee2025 #MinistriSaLiturhiya

Latest News

Matagumpay na Voter's Education Idinaos sa Our Lady of Pillar Seminary

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Ang Paglalakbay ni Imang sa Bayan ng Kawit

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Cavite upland parishes attend Liturgical Conference on Lent and Easter

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”. ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜€ (๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿณ๐Ÿญ โ€“ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ)

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Be ๐Ž๐๐„ of us! Be a ๐ƒ๐ˆ๐Ž๐‚๐„๐’๐€๐ seminarian!

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


MISA NG KRISMA 2025

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


A SHEPHERD OF CREATION AND PEACE

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


Caritas Imus, Kaisa sa โ€œTindig Kalikasanโ€ Forum para sa Maka-Kalikasang Halalan 2025

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


LITURGICAL CONFERENCE ON LENT AND EASTER BATCH 1

By: Ministry on Social Communications

March 30, 2025


Diocese of Imus Ministry on Liturgy - Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly

By: Ministry on Social Communications

March 20, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castaรฑeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8