Diocese of Imus Ministry on Liturgy - Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly

by Ministry on Social Communications

https://dioceseofimus.org/frontend.dioceseofimus.org/public/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Diocese of Imus Ministry on Liturgy - Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly

March 20, 2025 by Ministry on Social Communications

Naganap ang Ikalawang batch ng Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly ng Ministry on Liturgy ng ating Diyosesis, noong Marso 15, 2025, Sabado sa Casas Hall, Bishopโ€™s Residence, Imus Cathedral Compound, Lungsod ng Imus.

Sa unang bahagi ng pagpupulong (8:00โ€“11:00 AM), nagtipon ang mga Coordinators at kinatawan ng Ministry of Extraordinary Ministers of Communion mula sa iba't ibang parokya. Bago ang pagbabahaginan, nagbigay ng paalala si Reberendo Padre Ashpaul Castillo, Priest Animator ng Ministri sa Liturhiya, tungkol sa mga tungkulin ng mga Lingkod sa Liturhiya, alinsunod sa nakasaad sa  Diocesan Pastoral Priorities for Evangelization (DPPE). Sinundan ito ng talakayan kung saan malayang nagbahagi ng karanasan at saloobin ang mga lingkod mula sa iba't ibang bikaryato, na may diin sa pakikinig at pagbabahagi sa espiritu ng sinodalidad.

Bago matapos ang pagpupulong, nagbigay ng mensahe ang ating Obispo, Lubhang Kagalang-galang Reynaldo Evangelista, upang magpaalala at magbigay inspirasyon sa mga lingkod. Pagkatapos nito, ibinahagi ng mga naatasang kinatawan ang buod ng kanilang talakayan mula sa kanilang mga ka-bikaryato.

Sa ikalawang bahagi (1:00โ€“4:00 PM), dumalo naman ang mga Coordinators at kinatawan ng Ministry of Church Greeters and Collectors. Sa kanilang Spiritual Conversation, ibinahagi nila ang kanilang karanasan at saloobin sa paglilingkod sa kani-kanilang parokya. Bagamat may pagkakaiba sa pananaw, ipinamalas nila ang kahalagahan ng pakikinig at pagbubukas ng isip sa mga ideya ng iba, habang isinasaalang-alang ang paggabay ng Espiritu Santo.

Samantala, kahit natapos na ang Liturgical Ministries Coordinators' Assembly, magpapatuloy ang iba pang pagpupulong para sa mga lingkod sa liturhiya. Layunin nitong higit pang mapaunlad at mapabuti ang kanilang paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan. Kasabay nito, sinisimulan na rin ang pagtatalaga ng Vicarial Coordinators o Representatives upang mapabilis at mas epektibong maipasa ang mga pabatid at mahahalagang impormasyon sa buong Ministri.

Latest News

Matagumpay na Voter's Education Idinaos sa Our Lady of Pillar Seminary

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Ang Paglalakbay ni Imang sa Bayan ng Kawit

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Cavite upland parishes attend Liturgical Conference on Lent and Easter

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”. ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜€ (๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿณ๐Ÿญ โ€“ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ)

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Be ๐Ž๐๐„ of us! Be a ๐ƒ๐ˆ๐Ž๐‚๐„๐’๐€๐ seminarian!

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


MISA NG KRISMA 2025

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


A SHEPHERD OF CREATION AND PEACE

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


Caritas Imus, Kaisa sa โ€œTindig Kalikasanโ€ Forum para sa Maka-Kalikasang Halalan 2025

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


LITURGICAL CONFERENCE ON LENT AND EASTER BATCH 1

By: Ministry on Social Communications

March 30, 2025


Diocese of Imus Ministry on Liturgy - Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly

By: Ministry on Social Communications

March 20, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castaรฑeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8