๐๐๐ฆ ๐๐ด๐บ-๐ด๐๐ด ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐ด๐ฟ๐ด๐๐ด๐พ๐ผ๐... ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐ด๐บ-๐ผ๐ต๐ผ๐บ!
IMUS CITY - Noong ika-22 ng Marso, 2025, matagumpay na idinaos ang isang Voter's Education sa Our Lady of Pillar Seminary, Buhay na Tubig, na pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Ministri sa Pagmamalasakit sa Bayan. Ang pangunahing layunin ng gawaing ito ay upang bigyan ang mga dumalo ng sapat na kaalaman at gabay sa pagpili ng mga karapat-dapat na kandidato sa nalalapit na eleksyon 2025.
Sa unang bahagi ng programa, nagbigay ng inspirasyon si Bro. Emman Germino, na nagpaalala na sa kabila ng maraming hamon na kinakaharap ng ating Simbahan at bansa, ang pag-asa ay nananatili. Kanyang binigyang diin ang mahalagang papel ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng isang maayos at makatarungang lipunan.
Sumunod naman si Bro. Joseph Jam Suico, na nagpaliwanag sa mahahalagang gabay ng Simbahan tungo sa banal at matalinong pagboto, ang tinatawag na 3K: tiyaking ang ihahalal ay may magandang KARAKTER (integritas at moralidad), may tukoy at totoong KAKAYAHAN (kaalaman at kasanayan), at higit sa lahat may tunay na KATAPATAN sa kanyang magiging serbisyo sa bayan at sa Diyos (dedikasyon at pag-iwas sa korapsyon).
Sa ikatlong bahagi ng gawain, ang mga nagsipagdalo ay pinangkat-pangkat upang magbahaginan ng kanilang mga nararamdaman at pag-iisip hinggil sa nalalapit na halalan. Sa pamamagitan ng talakayan, bawat isa ay nakapagpahayag ng kanilang mga reyalisasyon ukol sa kahalagahan ng kanilang boto at nakapagbahagi ng mga kongkretong hakbang na kanilang isasagawa upang makatulong sa pagkamit ng isang mabuting resulta sa papalapit na eleksyon 2025. Ilan sa mga binanggit ay ang aktibong pagbabahagi ng kaalaman sa kanilang mga komunidad at ang masusing pagkilatis sa mga kandidato.
Bilang pagtatapos, muling pinaalalahanan ang lahat na ang kanilang pagboto ay isang mahalagang pagpapakita ng malasakit sa bayan, isang responsableng pagganap sa kanilang tungkulin bilang mamamayan at Kristiyano para sa ikabubuti ng buong lipunan.
(Mga larawan mula sa Social Communications Ministry)
_______________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#DioceseOfImus #Jubilee2025 #voters #2025elections