Diyosesis ng Imus, nagkaloob ng manto para kay Nana Pilar sa Espanya

by Ministry on Social Communications

https://dioceseofimus.org/frontend.dioceseofimus.org/public/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Diyosesis ng Imus, nagkaloob ng manto para kay Nana Pilar sa Espanya

February 17, 2025 by Ministry on Social Communications

ZARAGOZA, SPAIN โ€” Nagkaloob ang Diyosesis ng Imus noong Pebrero 15 ng isang manto o mantle para sa imahen ng Nuestra Seรฑora del Pilar na nakadambana sa basilikang inihandog sa kanya sa bansang Espanya.

Pinangunahan ang rito ng pagtanggap sa manto ng delegasyon ng ating Diyosesis sa pangunguna ng ating obispo, Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., katuwang sina Rdo. Padre Mark Anthony T. Reyes at Rdo. Padre Ryan Serafin P. Sasis.

Sinundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa main chapel ng Basilika ng Nuestra Seรฑora del Pilar.

Bilang pasasalamat, nagkaloob ang basilika sa ating Diyosesis ng isang poster ng larawan ng Birhen del Pilar mula sa ika-19 na siglo.

Ipinapalibot ang manto bilang pantakip sa haliging tinutuntungan ng imahen ng Birhen del Pilar sa Espanya, isang tradisyong nagsimula noong ika-16 na siglo.

Kinikilala ng tradisyon ng Simbahan ang pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria, sa titulong Birhen del Pilar, kay Apostol Santiago noong Oktubre 12, taong 40, habang nangangaral sa Espanya. Sinasabing buhรกy pa at nasa Jerusalem, Israel, noong panahong iyon ang Mahal na Ina, kung kaya't itinuturing ito bilang halimbawa ng bilocation, o ang kakayahang makita sa dalawa o higit pang lugar sa parehong pagkakataon.

Binigyan ng pagkilala ang imahen ng Birhen del Pilar sa Espanya noong 1905 sa pamamagitan ng canonical coronation ng dating Santo Papa Pio X.

Laganap sa kasalukuyan ang debosyon sa Birhen del Pilar bilang patrona ng Espanya at ng mga bansang naimpluwensiyahan nito. Nakarating ang debosyon dito sa Pilipinas, kabilang na sa Cavite, kung saan ang isang imahen nito na dinala ng mga paring Augustinian Recollect noong ika-17 siglo ang nakadambana sa Katedral ng Imus. (Ulat at mga larawan mula kay Florence Y. Cagas, SOCCOM-Diocese of Imus)

Latest News

Matagumpay na Voter's Education Idinaos sa Our Lady of Pillar Seminary

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Ang Paglalakbay ni Imang sa Bayan ng Kawit

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Cavite upland parishes attend Liturgical Conference on Lent and Easter

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”. ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜€ (๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿณ๐Ÿญ โ€“ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ)

By: Ministry on Social Communications

April 28, 2025


Be ๐Ž๐๐„ of us! Be a ๐ƒ๐ˆ๐Ž๐‚๐„๐’๐€๐ seminarian!

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


MISA NG KRISMA 2025

By: Ministry on Social Communications

April 26, 2025


A SHEPHERD OF CREATION AND PEACE

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


Caritas Imus, Kaisa sa โ€œTindig Kalikasanโ€ Forum para sa Maka-Kalikasang Halalan 2025

By: Jon Augustin T. Lazaro

April 25, 2025


LITURGICAL CONFERENCE ON LENT AND EASTER BATCH 1

By: Ministry on Social Communications

March 30, 2025


Diocese of Imus Ministry on Liturgy - Lay Liturgical Ministries Coordinators' Assembly

By: Ministry on Social Communications

March 20, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castaรฑeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8