SINELAYAN FILM FESTIVAL: PELIKULA PARA SA PAG-ASA

October 16, 2025

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

SINELAYAN FILM FESTIVAL: PELIKULA PARA SA PAG-ASA

Deadline: October 16, 2025 | 11:59 PM

Venue: Diocese of Imus

Date: October 16, 2025

 

Cavite - Opisyal ng inilulunsad ng Caritas Imus sa ilalim ng programang Byaheng Edukasyon ang kauna-unahang Sinelayan Film Festival, isang biennial na selebrasyon ng sining, kultura, at kabataang Caviteño. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ministri sa Kabataan at Sistah Bridge Production. Layunin ng festival na gamitin ang pelikula bilang plataporma ng pag-asa at pagkilos, habang nangangalap ng pondo para sa programang LEAP for Youth—isang educational assistance initiative para sa mga deserving youth-leaders sa buong lalawigan. 

Sa temang “Mukha ng Pag-asa”, hinihikayat ng Sinelayan ang mga kabataang filmmaker mula sa iba't ibang vicariate ng Diyosesis ng Imus na lumikha ng mga maiikling pelikula na nagsasalaysay ng pag-asa, pananampalataya, at panlipunang kamalayan. Ang proyekto ay binubuo ng mga workshop, mentoring, at production phase, na magtatapos sa isang public screening at Awards Night

Bahagi rin ng paghahanda ang isang serye ng one-day Filmmaking Workshops sa apat na piling parokya sa Cavite ngayong Mayo at Hunyo. Hangad nitong hubugin ang kakayahan ng kabataan sa larangan ng pelikula, mula sa pagsulat ng script hanggang sa post-production. 

Ayon sa Project Head ng Sinelayan Film Festival

"Hindi lang ito tungkol sa paggawa ng pelikula. Ito ay tungkol sa pagbibigay tinig sa mga kabataang may kwento ng pag-asa at pagbangon—at pagbibigay daan sa isang mas maliwanag na kinabukasan.” 

Ang Sinelayan ay hindi lamang selebrasyon ng talento, kundi isang pagkilos para sa mas malawak na layunin—ang edukasyon, sining, at sama-samang pag-asa. 

Para sa karagdagang detalye at para makiisa sa proyekto, bisitahin ang Caritas Imus Facebook page o mag email sa [email protected]

Upcoming Events

SINELAYAN FILM FESTIVAL: PELIKULA PARA SA PAG-ASA

October 16, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8