October 09, 2025
Venue: Rosario, Cavite
Date: October 09, 2025
ROSARIO, CAVITE - Sa darating na ๐ข๐ธ๐๐๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ต, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, isang makasaysayang araw ang ating pagsasaluhan sa paggawad ng Coronacion Pontifical sa Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario โ Reina del Caracol, ang patrona ng bayan ng Rosario, Cavite. Ang Pontifical Coronation ay isang natatanging pagkilala mula sa Simbahan, na sumasalamin sa malalim na pananampalataya at debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Birhen ng Santo Rosario.
Kilala bilang "Reina del Caracol," ang imahe ng Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario na sumisimbolo ng pag-asa, proteksyon, at himalang biyaya na nagbigay-lakas sa mga deboto. Sa tradisyong Caracol, ang masiglang sayaw at tugtog ay patunay ng matibay na pananalig at pasasalamat sa Birheng nagligtas sa mga tripulante mula sa unos.
Ang Pontifical Coronation ay hindi lamang isang seremonya; ito ay isang pagdiriwang ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at pag-asa bilang isang komunidad. Sa araw na ito, ating ipagdiwang ang biyaya at gabay ng Reina del Caracol na patuloy na nagbabantay sa ating mga puso at buhay. Mabuhay ang Mahal na Birhen ng Santo Rosario, Reina ng Caracol!
Viva la Virgen! Viva!!!
Viva Reina del Caracol! Viva!!!
#ReinaDelCaracolPontificalCoronation
For more updates please visit: https://www.facebook.com/ReinaDelCaracolRosario
October 09, 2025
General Castaรฑeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786