Ang paglilingkod na ito ay kikilos upang itaguyod ang debosyon, pag-aaral, at pagsasabuhay sa Salita ng Diyos bilang sentro ng araw-araw na buhay ng bawat binyagan at mga Kristiyanong pamayanan, bilang batayan ng pag-unawa sa nakaraan, ng pagtugon sa mga hamon ng kasalukuyang panahon, at ng pagtanaw ng may maka-Diyos na karunungan sa hinaharap ng diyosesis.