Ang paglilingkod na ito ay kumikilos upang makilakbay sa mga maralitang nasa Cavite na nakararanas ng mga banta sa kapanatagan ng kanilang tirahan o pinananahanan, o ang mga sapilitang pinaaalis nang walang katiyakang mapupuntahan na may maayos na tubig, kuryente, edukasyon, hanap-buhay, at iba pang esensyal sa kanilang pamumuhay na may dignidad.