Tumutukoy sa mga pamayanan ng mga binyagan na nakipagtutulungan sa pagtataguyod ng isang basic human and ecological community. Kinabibilangan ng mga territorial communities o kapitbahayan, may kapilya man o wala. Maaaring barangay o nayon, sitio o purok, subdivision, pamayanan ng mga informal settlers, at iba pang katulad nito. Locus o lugar na pinangyayarihan ng mga programa ng iba't ibang ministri, lalo na ng DIBA, Ministri sa Pamilya at Buhay, Ministri sa Katekesis, Social Action, atbp. Ito rin ang katumbas ng cluster of communities sa parish pastoral council clusters at ang patunguhan ng ikalawang Atas na Gawain ng Diyosesis (munting pamayanang Kristiyano).